*insert magandang title here*

Hindi ko alam kung nasa matinong pag-iisip ako, but let me share you what’s on my mind at this moment. Hindi ko alam kung keri ko pa ‘to.

Note: Usapang love life ‘to.

Matagal ko na din tinago at pinawalang bahala yung nararamdaman kong doubt. Hindi naman sa wala akong trust sa kanya, kundi wala akong trust sa sarili ko.

Let me share these related facts:

  • Secret relationship yung amin.
  • Once or twice a week lang magkita.
  • Hindi kami sweet kung magkasama kami; wala, hanggang tuksuhan at kilitian lang.
  • Nawawala yung kilig factor.
  • Kung nag-aaway kami, wagas na pain yung nararamdaman ko.
  • Hindi nawawala sa pinag-aawayan namin ang division of time.
  • Marami pang iba.

Salamat nalang sa mga taong magtya-tyagang magbasa neto. Ok. Avail na.

Matagal ko na din na-feel na parang hindi na kami ni E. Siguro nung December pa ata? Idk, pero oo, matagal na. Pero syempre, sa fact na mahal ko yung tao, hindi ko sinabi sa kanya kasi ayaw ko din syang masaktan. Pero alam mo yung kapag nag-away kayo, tapos wagas yung sakit na nafeel mo? Ewan. Ang hirap i-describe talaga. Basta yun ang na-feel ko: feel ko wala akong boyfriend.

Hanggang salita lang sya. Okay, sabihin natin na jan sya malakas; magsabi ng I love you, pero enough na ba yun para paniwalaan ko sya? It’s been a year; na feel ko din naman yung love nya, pero habang tumatagal, parang nawawala. 

Panay nga I love you nya, hindi nya naman kayang panindigan. 

Oo, alam ko na patago lang yung relationship namin. Pero sana naman magka formal date naman kami? Sus. 1 year na kami pero hindi ko pa nafeel yung mag date na as in actual date. Oo, nagka HHWW na kami, pero alam mo yung 3 seconds na ganon? Wow naman, dude. Gusto ko kiligin ulit.

Hindi ko na sya feel, to the point na may crush na ulit ako: AFTER 2984729346254256342 YEARS. Well, not totally crush crush, wala lang. I feel happy when I’m with him, and he makes me laugh, AT sweet sya. I admit, sweet sya sa lahat, so fair lang yun. 

It’s disappointing lang na yung ibang lovers ang sweet, tapos ako, may boyfriend nga, wala namang nangyayari sa DEEDS, parang wala din. :|

Ultimo anniversary namin, sa Minute Burger lang kami. Pero okay nalang din kasi nag effort syang hanapin ako. 

EFFORT. ‘Jan nagsisimula ang punyetang away namin. Every single fight. Hindi naman sa hindi ko na-appreciate yung effort nya, pero sana isipin nya na babae din ako; gusto ko AT naghahanap ako ng lambing galing sa kanya kasi BOYFRIEND ko sya. So let me share a convo between me and E before.

Ako: Hindi mo ako hinanap. Palagi mo nalang hinihintay na ako maghanap sa’yo. Feel ko ayaw mo na akong makita. Nakakairita.

Sya: Ano nanaman?! Alam mo naman na delikado tayong magsama, baka may makakita sa atin.

Ako: Kaya nga may schedule diba?! O kahit sabihin natin na Wednesday na, pero dapat sabihan mo ‘ko na gusto mo akong kasabay umuwi. Ayoko yung ako nalang palagi; ayoko yung ako nalang palagi naghahanap. Nakakasawa. Seryoso.

Sya: Alam ko naman na schedule eh. Alam ko na alam mo.

Ako: Eh pano kung sabihin ko na nagtampo ako kasi hindi mo ako hinanap, alam mo pa rin? Okay lang? Isa pa, ako naman din yung palaging naghihintay. 

Sya: Tapos sasabihin mo nanaman na wala akong ka-effort effort? Sorry ha? Ako na magsosorry. Sorry sorry sorry. Hindi ko din naman alam eh kung busy ka o hindi.

Ako: Kaya nga may cellphone diba? Mahirap ba mag type para magtanong?

Sya: Ambot ah.

Part lang yan ng usual fights namin. Although at some point tama sya, may part pa rin na mali pa. Sabi pa nga mas maganda yung hindi kayo pero mukhang kayo, kesa sa kayo nga, hindi naman halata.

Ayoko talaga mag mention ng name kasi ayokong isipin niyo [if ever may magbabasa] na crush ko sya. Sige. Okay. Birthday ko. Nag celebrate ako kasama si E tsaka yung mga kaklase nya. Nung pauwi na kami, hinatid nila ako: si E, pinsan nya, classmate 1 && classmate 2. So sige, maglakad daw kami pauwi. Si classmate 1, close ko talaga sya ever since high school pa ako. Hindi ko din alam kung pano kami naging close, pero close talaga kami. So ayun, invited sya, tapos sya pa yung nag volunteer magdala ng box [red ribbon na box bigay ng college friends ko] kasi madami din akong dala. Awkward lang kasi si classmate 1 hindi ko boyfriend, pero sya pa nagdala ng box na yun. Tapos si E, parang wala lang.

Eto pa, naglakad na kami. Ayoko kasi sa lahat yung iniiwan ako. Kaya nung sabay na kaming lima, napansin ko na hindi ako kinakausap ni E kasi occupied sya sa mga classmates nya. Yung time na yon, naisip ko din na gusto ko na talagang umuwi kung ganon lang naman pala mangyayari. Kaya nung napansin ko na hindi ako pinapansin ni E, binagalan ko yung lakad ko. Eto yung nakakatawa: Si classmate 1 at classmate 2 pa yung nakapansin na bumagal yung lakad ko. Tapos nung napansin na ni E, pinuntahan nya ako. Usap-usap kami. Blah blah.

Okay. The Road na ang ambiance ng world [gabi na kasi]. With E by my side, I swayed my hand and collides my hands on E’s hands. Gusto ko hawakan nya kamay ko. For what na itatago nya? Ang linis ng daanan, sa hindi mataong lugar kami dumaan AT gabi na. So sa sobrang desperate ko, ako na yung humawak sa kanya, tapos hindi pa umabot ng 5 seconds, binitawan nya na agad. So I was like, WHAT THE FUCK?!?!?!?!?!?! Dun nagsimula yung kainisan ko.

Hindi ko pinahalata na disappointed ako kasi I don’t want to ruin everyone’s evening. Nag chichika kami ni classmate 2, tapos biglang lumapit si classmate 1 sa amin, hanggang si classmate 1 na yung kasabay ko maglakad. Si E, katabi ko pero hindi ako kinakausap. 

Taga Champaca si classmate 1, taga Sirquina si classmate 2. Nung nakadaan na kami ng Champaca, pinauwi na ni classmate 2 si classmate 1. Pero sabi ni classmate 1 na ihahatid daw muna nya ako sabay sila E. So okay na. Nung nasa kanto na kami ng Sirquina, gusto na umuwi ni classmate 2, pero pinigilan sya ni classmate 1 kasi gusto nya daw na silang apat yung maghahatid sa akin. Si E? No comment lang. Hanggang nakarating kami sa kanto namin. Nag babay na ako, hindi man lang ako hinalikan ni E — kahit sa cheeks. Kung hindi ko sinabi, malamang hindi nya gagawin. Disappointed talaga ako. 

Nandun na yung chance nya na makabawi sa lahat ng mali nya, hindi pa nya pinansin yung chance. 

Tapos ngayon, pinag-iisipan ko din kung makikipag hiwalay na ba ako, o hindi.

Kung mag dedeclare ako ng break up, unfair sa kanya; sabi nya mahal nya ako eh. Siguro tanga ako kasi hindi ko pinapansin yung effort nya. Pero kapag etong nararamdaman kog doubt tumagal ng isang bwan, siguro I have to say bye na.

Nakakasawa na din yung palagi kaming nag-aaway sa walang kwentang bagay. Na-realize ko [oo. narerealize ko kapag nag-aaway kami at kapag nag-iisa ako] na dapat alamin nya yung priorities nya. Kasi kung mas lamang ang barkada nya kesa sa akin, napaka sakit at unfair sa part ko. Ako gusto ko sya lang, tapos sya gusto niya sila. Ano kaya yun? Nakakapagod.

Kagabi ko lang din na-realize na medyo nawawala na yung love ko sa kanya. Kahit ako nasasaktan sa mga naiisip ko, kung bakit ganung gabay yung naiisip ko, pero yun talaga eh. Kahit anong klaseng ka-busyhan ang gawin ko, the thought of my love for him that’s starting to fade keeps on coming back. Habang binabasa ko yung binigay nyang regalo sa akin, kinilig ako, pero parang may kulang pa rin.

Actions speak louder than words.

Sana ma-realize nya nang mag-isa yung kakulangan nya. Ayoko na mag-away kami dahil jan, kasi kung ganyan lang ang rason ng pag-aaway namin, mas lalong sumasakit at mas lalong lumalakas yung thought na mag let go ako.

Siguro bunga na din ito ng sobrang pain na naramdaman ko. Oo, love ko sya.; proud ako sabihin yun. Alam ko wala akong kulang sa kanya kasi alam ko na lahat ng bagay na kailangan gawin ng isang girlfriend, ginawa ko na. Tinulungan sa assignments, projects, inintindi na, at marami pang iba.

Pero sana sya naman umintindi. Pagod na ako kakahabol sa kanya. Ultimong actual game ng habulan, hindi ko kayang humabol ng matagal, pero sa laro naming dalawa, kinaya kong habulin sya for almost one year. 

Pwede sya naman?

Maybe hindi pa ito yung tamang panahon para gumawa ng desisyon, kasi umaasa ako na may magbabago sa flow ng relationship namin.

Yan din yung punyetang sentence na palagi kong sinasabi sa sarili ko kapag ganito yung naiisip ko; magbabago sya, hahanapin nya ako, et cetera. Pero wala. :(

Last na talaga ‘to. Hanggang December nalang ako makikipag laro ng habulan sa’yo. Pero kapag hindi ko na kaya at wala pang December, hindi ko din alam kung ano mangyayari.  I wish you could read this, pero bawal.

Lahat ng kakulangan ni E, nabigay na ni Pee Jay; FRANKLY SPEAKING. Close friends kami ni Pee Jay, at hindi uso ang malisya sa college. Sa aming mag barkada, si Pee Jay yung palaging nalilink sa akin kasi nga close kami. May mga bagay tungkol kay Pee Jay na ako lang nakakaalam. And since January started, palaging sumasabay sa pag-uwi sa akin si Pee Jay. Nakakatawa lang kasi kahit pilit kong hindi sya pansinin, the more na pinapansin nya ako. Palagi nyang ginugulo buhok ko, pinipisil yung pisngi ko, minsan nga bigla nya lang akong yayakapin; yung super higpit na yakap. In fact, malapit lang ang height nila ni classmate 1; mas matangkad lang ng ilang centimeters si classmate 1. Kaya nga kapag nandyan si Pee Jay, wini-wish ko na sana sya nalang si E. Gusto ko ganun gawin sa akin ni E. :|

‘Coz when I’m with him I am thinking of you. Thinking of you, what would you do if you are the one was spending the night. Oh I wish that I was looking into your eyes. </3

Mahal na mahal ko si E. Pero kailangan ko din mahalin yung sarili ko minsan. :|

Opo. Mahal na mahal na mahal ko si E. Pero minsan nakakapagod na eh.

<////////3