(via bluespotter)
1 WEEK PALANG KITA HINDI NAKIKITA, MISS NA AGAD KITA.
And I wish the feeling would be mutual. Ba’t ba kasi ayaw ni panahon na ipagsama tayo? Duh. Waz pakels. I really don’t care.
Teng-eneng exam na bukas. Unti-unti akong pinapatay ng matrices. Punyeta.
Gusto ko ma-try yung feelings ng ibang babae.
Yung maka receive ng bouquet of flowers, HHWW, sweet good morning and good night messages, may naghihintay sa terminal para sabay kaming uuwi, sasamahan ako kung wala akong kasama, hindi matatakot na yakapin ako, surprise gifts, surprise hugs, surprise kisses, surprise love letters, at kung anu-ano pa.
Hindi naman sa hindi ginagawa ni E yung iba jan. Sya kasi yung kuripot type na boyfriend. Pero thankful pa rin naman ako kasi may effort diba.
Wala lang. Hindi din naman sa gusto ko ng bagong love life. Kasi kapag ako nalang mag-isa, hindi ko kayang pigilan yung sarili kong mag-imagine na kasama ko si E ngayon, sabay kami uuwi, o kaya hinihintay nya ako para sabay kaming uuwi. Pero wala; wala kaming freedom para sa ganyan eh. -.-
Pero kung gusto nagagawan naman ng paraan diba?
Sabi pa nga ni Lloyd na, effort lang talaga ang kulang.
Ironic nga kasi nagka-punch line pa si E na Boo, bakit ka pa magrerelo? Eh kaya ko naman ibigay sa’yo lahat ng oras ko, when in fact, hindi nga tumatagal ng 2 hours yung pagsasama namin. Yan na ba yung LAHAT ng oras mo?
Konting effort pa E. Ipakita mo sa akin na may kwenta ‘tong pagtitiis at kagagahan na ginagawa kong ‘to. Ipakita mo sana sa akin na may mapapala ako sa ka-punyetahang ‘to. Ipakita mo na worthy ka sa effort na binubuhos ko.
Kasi ako? Lahat na ng effort na kaya kong ibigay, nabigay ko na.
Try mo kaya? Baka hindi pa tayo mag-away nyan.
Dear E,
‘Wag mo ‘kong sisihin kung dadating yung araw na iiwan na talaga kita; iiwan kitang sabaw, iiwan kita sa ere, ipapamukha ko sa’yo lahat ng kagaguhan na ginawa mo.
Hindi naman sa gusto ko na maging bitter, kundi tinatamad at napapagod na ako kaka-unawa sa mga bagay na pauli-ulit, tapos ikaw walang balak umunawa sa akin.
May mga taong handa magmahal sa akin sa tabi-tabi; try mo kaya mahalin ako ng maayos? Baka ayusin ko din yung pag-uugali ko sa’yo?
Bahala ka. Minsan nakakapagod na yung panggagago mo eh.
Isang mali at isang away nalang; iiwan na talaga kita kahit masakit.
Pagod na ako, E. Super pagod. Hindi ka nakakapagod mahalin eh; nakakapagod lang na ako yung laging umiintindi sa’yo, tapos ako, hindi mo naman ako tunay na naiintindihan eh. Hanggang salita lang yung sinasabi mo na naiintindihan mo ‘ko. Kasi you know what? Kung naiintindihan mo ‘ko, PAKIKINGGAN mo ‘ko, at hindi ka kokontra sa lahat ng sasabihin ko. Ayaw mo naman makinig eh. Para sa’yo ikaw palagi yung tama, ultimong pagkikita natin kailangan pang ma-postpone.
Punyeta. Pagod na din ako sa mga excuses mo. Hindi ba pwedeng ako muna, bago sila? Hindi natin alam kung kelan ako kukunin ng nanay ko tapos uunahin mo pa sila? Edi sana sila nalang naging syota mo, para hindi ako nagmumukhang tanga.
Eto na yung stage na tinatawag nating MU- Mag-isang Umiibig.
Ako nalang yung nagmamahal. Hindi naman sa hindi ko naa-appreciate yung ginagawa mo, kundi hindi mo lang talaga kayang magbuhos ng todo effort para ma-feel ko kung gaano mo ko kamahal. Kontento naman talaga ako eh, minsan naiisip ko na swerte ako, pero minsan naiinis ako kasi bakit ganito, bakit ganyan. Bakit sila gusto mong makasama? Bakit ayaw mo ‘kong makasama?
Sa totoo lang, tinatamad na akong magmukhang tanga eh.
Pero bahala na.
ANG PUTANG INANG DESISYON KO, AY MAG VA0-VARY SA MANGYAYARI SA 16. KUNG SASAMA LOOB KO, MAG-EXPECT KANG MAGHIHIWALAY NA TAYO.
Ang kapal ng mukha kong magsabi ng ganyan tapos hindi ko pala kayang gawin.
O sya, hindi mo din naman ‘to mababasa eh.
Loving you,
Asdfghjklp.
Tang ina.
Pauwi palang ako sa bahay, binagsakan na ako ng bad vibes, Punyeta.
Ang saya ko na sana sa school eh. Super saya.
Tapos hintay ako ng hintay ng text nya, tapos nung nagtext sya, sabi nya na naiwan daw phone nya sa bahay ng lola nya blah blah, AND parang walang pakealam sa girlfriend nya. Wala man lang, nakauwi ka na? san ka na? ingat pauwi ha.
Dun nag start yung gera namin. Ako na super mahaba ang pasensya, todo ayos na akong magsalita. Sabi ko sa sarili ko na dapat hindi ako mag-minaldita kasi exam nya bukas, at ayaw kong lumala away namin. Eh ano magagawa ko kung sya mismo ang nagsimulang pahabain ang away namin? Sinigawan nya ako, at nag-minaldito.
It came to a point na lahat ng sinabi nya, ang sakit sakit.
Sa sobrang sakit, hindi ako naka react at umiyak nalang. Sobra na sya eh. Bakit? Sa putanginang mundong ‘to, sya lang ba may pino-problema? Sya lang ba bad trip? Sya lang ba may exam? Sya lang ba?!?!?! Puta. Fuck! -.-
Sya pa naman tong nagsabi na kapag bad trip, ‘wag ibuhos sa akin/kanya yung sama ng loob, tapos sya din pala gagawa nun sa akin. Ano ‘to? Gaguhan lang?
Nakakainis talaga.
Yung sakit… yung klaseng sakit na after kong umiyak, eto lang naisip ko:
Puta. Ang sakit; SANAY naman ako eh.
Ang bad noh? Say hello to reality. Sanay na akong nasasaktan sa mga kagaguhang hindi man lang nya alam na nakakasakit sa akin. Wala tayong magagawa, may mga taong masyadong manhid at insensitive. May mga taong walang pake sa feelings ng ibang tao. Ang sakit talaga.
Sobrang sakit na ayaw ko na syang makita. Hindi naman forever, pero temporary na ayaw. For example bukas; ayoko syang makita bukas kasi mainit pa rin ulo ko. May pag-uusap kaming magkita bukas pero ayoko. Taympers muna.
Sa Friday nalang kami magkita. Siguraduhin nya lang na sa akin lang sya.
PUNYETA. TANG INAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! -.-